War Against Mosquito – Dengue Prevention and Control Program

Upang maiwasan at malabanan ang nakamamatay na sakit na dengue ay nagsagawa ang City Health Office (CHO), katuwang ang Department of Health (DOH), ng Dengue Prevention & Control Program, ang “War Against Mosquito” sa Multi-Purpose Hall, June 16, 2017. Layunin ng programa na maipalaganap ang kaalaman ukol sa sintomas ng dengue at mga pamamaraan ng pagsugpo nito.

Nakibahagi sina CHO Head Dr. Robert Olivarez, Chief Nurse Riah Fojas, Engr. Rainier Palos (Dengue Program Coordinator Provincial Health Office), Registered Nurses Joey Mangunay (Provincial Epidemiology and Surveillance Unit) at Ryan Arboleda ng Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH), Assistant DOH Representative Provincial Health Training Office, DOH Representative RIV-A Denise Paguirigan, DOH regional office staff, barangay health officers and workers, homeowners at mga kagawad.

DSC_5659 DSC_5663 DSC_7115 DSC_7128 DSC_7134 DSC_7135