Tulong para sa mga Nasunugan

 

Ang inyong lingkod kasama si CSWD head, Ms. Fatima Autor ay dumalaw at nakiramay sa mga biktima ng sunog noong September 3, 2017 dakong alas-12 ng tanghali. Tayo ay namahagi ng cooked at repacked food items, banig at hygiene kits sa 42 pamilyang nasunugan sa Sitio Maligaya 5, Baranggay San Vicente.
Nabigong maisalba ng mga nasunugan ang kanilang mga personal na kagamitan at nawalan ng tahanan matapos na matupok ng apoy ang ilang dosenang kabahayan. Kasalukuyan silang tumutuloy sa satellite covered court ng Pacita 1 bilang kanilang temporary shelter.
Atin silang babahaginan ng tulong pinansiyal upang sila ay makapagsimulang muli ng kanilang tahanan sa lugar ding iyon, kung saan atin nang inihahanda ang permanenteng relocation subdivision.