PAGBUBUKAS AT PASINAYA NG SAN PEDRO CITY MUSEUM AND LIBRARY

Noong Oktubre 22, 2016 pinangunahan natin ang programa sa sabay na pagbubukas at pasinaya ng San Pedro City Museum and Library at Tanggapan ng Distrito ng Department of Education sa isang gusali sa loob ng compound ng Central School, Luna St., tapat ng Rural Health Unit katabi ng dating gusaling pampamahalaan at City Plaza. Ang Museo ay nasa ikalawang palapag ng gusali at kinalalagyan ng mga obrang guhit ng mga sinaunang gusali.
Ang museo, aklatan at tanggapan ng DepEd ay binasbasan ni Rev. Fr. Pablo Bugay, Jr. na sinaksihan ng mga opisyales at mga kawani ng pamahalaaang lungsod, gayundin ni Dr. Jovito Barcenas, DepEd Supervisor, Polytechnic University of the Philippines San Pedro Director Elmer De Jose at iba pang mga guro ng PUP, Konsehales Bernadeth Olivares Cuevas, Edgardo Berroya, Jimbo Ambayec, Vice Mayor Iryne Vierneza at dating konsehal Diwa Tayao, dating Mayor Calixto R. Cataquiz at mga kasama. Isang maikling programa ang idinaos sa loob ng museo na pinangunahan ni Bb. Fatima Autor. Ang programa ay sumentro sa pagbabalik – tanaw sa mga pangyayari noong unang panahon na ngayon ay bahagi na ng kasaysayan ng Lungsod ng San Pedro.

bob_1268 bob_1270 bob_1321 bob_1336 bob_1344 bob_1346 bob_1349 bob_1362 bob_1366 bob_1373 bob_1388 bob_1389 bob_1391 bob_1392 bob_1393 bob_1394 bob_1396 bob_1397 bob_1400 15025161_1258327240897320_5913921751189786237_o 15042222_1258327307563980_7785373375790290988_o