Pagbibigay-Pugay sa ating mga Mahal na Pangalawang Magulang

Kaugnay sa pagdiriwang ng National Teachers day, ay binigyan ng parangal ni City Mayor Lourdes S. cataquiz ang mga guro sa pampublikong paaralan sa lungsod ng San Pedro upang ipadama ang pagpapahalaga nito sa mga sakripisyo, paglinang at paggagabay sa mga estudyante at kabataan na siyang magiging sunod na lider ng lipunan.
Pinarangalan ang 58 na mga guro at principals na nakapagserbisyo na ng 25 taon pataas at binigyan ng sertipiko ng pagkilala. Bukod sa naglalakihang pa-raffle, nagkaloob din si Mayor Cataquiz ng halagang P2,500 para sa mga principals at P1,500 naman sa mga guro. Dumalo rin sina former mayor Calixto S. Cataquiz, Cong. Arlene Arcillas, representante ni Gov. Ramil Hernandez na si Bimbo Santa Maria, District Supervisor Jovito M. Barcenas at Sangguniang Panlungsod.
Humigi’t kumulang na isang libong guro sa Rosario Complex Convention Center ang dumalo sa pagdiriwang noong November 3, 2017 sa ganap na ika-6:00 ng gabi.