NEGOSYO CENTER – OPISYAL NANG BINUKSAN

18121995_1428999133830129_5964287320079035370_o

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), opisyal nating binuksan ang Negosyo Center noong April 26, 2017 sa Old Municipal Building ng City of San Pedro. Layunin nito na matulungan ang mga mamamayan na makapagtayo ng sariling negosyo at ang mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs) na makasabay sa mga malalaking negosyo sa lungsod.

Ang nasabing programa ay naglalayong maisaayos ang proseso sa pagrerehistro ng negosyo, pagbibigay ng business advisory at consultancy services upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs), at mapalawig ang kaalaman sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng information education. Sa ngayon po ay hindi pa sumasagot ang Negosyo Center ng panimulang pondo para sa negosyo.

18121243_1429001197163256_4885567944714511923_o

Kasama ng inyong lingkod sa ribbon cutting at blessing sina Rev. Fr. Blumintrit Fabriquel, Jr. SDP (Servants of the Poor), City Administrator Filemon Sibulo, City Consultant Leslie-Lu, Executive Assistant II/Bottom-up Budgeting Focal Person Lirio Rivera, BUB-PMT Pablo Castillo Jr., at mga Department Heads and representatives, kabilang din ang Barangay representatives, businessmen, Local Government Units (LGUs), at DTI executives and staff na sina DTI Provincial Director Susan Palo, DTI Asst. Regional Director- Region IV-A Marcelina Alcantara, at iba pa.

Pagkatapos nito ay ating dinaluhan ang seminar ukol sa “Business Management Skills and Entrepreneurial Mindset” seminar para sa Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng New City Hall Building ng City of San Pedro noong araw ding iyon. Dito’y ibinahagi ng guest speaker/President at Franchisor ng Oryspa Spa Solutions na si Sherill Ramos Quintana ang mindset guidelines upang maging matagumpay ang isang negosyante. Ako rin ay nagbahagi ng aking sariling karanasan sa matagumpay na pagpapatakbo ng aming negosyo.

Para sa mga katanungan, maaari pong tumawag sa 808-2020 local 301 , mobile # 09282996517 o mag-email sa nc.sanpedrocity@gmail.com.

 

 

18056592_1429002103829832_3700842085800836184_o  18121268_1429006610496048_8619131290928087090_o 18121396_1429000157163360_2586404189305101555_o 18121545_1429005640496145_8873711066857490602_o 18121563_1429004763829566_918975607085974647_o  18156182_1429004627162913_4417835346887817486_o 18156475_1428999853830057_7190265577649776945_o 18156687_1429001400496569_6372172078567166999_o 18193213_1429001133829929_4354234102930260764_o 18208950_1429000340496675_4108825663196151929_o