PRIORITY LEGISLATIVE AGENDA INIHAYAG SA INAUGURAL SESSION NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Ipinahayag ni San Pedro City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa Sangguniang Panlungsod ng San Pedro ang kaniyang priority legislative agenda alinsunod sa tema ng kaniyang pamamahala sa susunod na tatlong taon na “:Bagoing Mandato, Bagong Antas ng Pagbabago”.

BOB_6806

Ginawa niya ito sa Inaugural Session ng 17th Legislative Council  (Sangguniang Panlungsod) ng San Pedro City na ginanap sa SP Session Hall sa San Pedro City Hall noong Hulyo 4, 2016.

“Elevate to the next level po tayo sa pagbabago para sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng ating mga nasimulan na programa at proyekto. Sa loob ng nakaraang mga taon ay naging matino at mahusay ang ating naging pagtupad sa ating mga tungkulin kayo tayo ay ibinalik uli ng ating mga kababayan sa puwesto sa ating pamahalaan. I did my homework and so should you, so tayo ay binigyan nila ng bagong mandato.”

Sinabi ni Mayor Baby na kailangan ng batas upang palakasin pa ang San Pedro Urban Renewal o SPUR Program upang maipagpatuloy ang programa upang gawing baguhin, hindi lamamg ang mukha ng bayan,  kundi pati ugali ng mamamayan.

“We have to become a modern city. Kailangan natin ipagpatuloy ang ating mga technology-based systems and procedures para mas effective ang performance ng ating local government.

DSC_6637

Sinabi ni Mayor Baby na kailangan ng batas para sa:

  • pagkakaroon ng lupa para sa proposed public memorial park, slaughterhouse, sports and cultural complex at evacuation center, material recovery facility, livelihood and open learning center, national high school, PNP-BJMP-BFP building, rural health centers, at regional trial court;
  • pagpapatupad ng paglilinis ng mga kalsada sa sidewalk vendors at pagpapaalis ng mga illegal occupants ng mga easement at open spaces;
  • social services tulad ng child code at women’s code, at housing for 15,000 informal settlers;
  • peace and order; at good public image ng San Pedro para mga investors;
  • city plantilla of personnel; at
  • extension ng tax amnesty at installment payment plan para sa arrears sa real property taxes.

“IIan lamang po ito sa ating pangunahing pangangailangan sa patuloy na pagpapaganda at pagpapabago ng ating lungsod. Sabi ko nga, ‘the only permanent thing in the world is change. So if we are good today, we could change for the better. And if we have become better, we could change for the best”, wika ni Mayor Baby.

Sa kaniyang pagtatapos, nanawagan siya sa Sanggunian Panlungsod na suportahan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng mga programa para sa kaligtasan ng tao at katiwasayan ng pamayanan.

BOB_6752 (2) BOB_6755 BOB_6760 (2) BOB_6768 BOB_6782  BOB_6807 BOB_6819 (2) BOB_6843 DSC_6579 DSC_6583 DSC_6590 DSC_6596 DSC_6599 DSC_6604 DSC_6617