GLOBAL CHARITY ASSOCIATION AND SALT AND LIGHT INTERNATIONAL WORLD MISSIONARY MULING NAGSAGAWA NG MGA MEDICAL MISSION

Hindi pa rin magkamayaw ang San Pedronians na nangangailangan ng serbisyong medikal matapos na dumagsa ang 286 katao upang makinabang sa ikalawang araw ng medical mission na handog ng Global Charity Association and Salt & Light International World Missionary, Inc. noong Oct. 28, 2017 sa Brgy. Landayan covered court. Dito’y namahagi ng mga libreng gamot at nagsagawa ng mga libreng serbisyong medikal tulad ng consultation (pedia, adult, ob-gyne), ultrasound, dental, at surgery. Pinangunahan ito nina doctors Kang, Byung Suk (gynecologist & president of Global Charity Association); Shim, Byeong Soo (neurosurgeon); Jeong, Hyung Tae (dentist); Jung, Dae Ho (physician); Park, Seung Won (pediatrician); Park, Ki Ju (family medicine); Kim, Jae Min (dental hygienist); mga volunteers at City Health Office staff.

Nagpaabot ng pasasalamat si City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa ikatlong araw na medical mission ng Global Charity Association and Salt & Light International World Missionary, Inc. dahil sa walang humpay nitong pagtulong sa mga mamamayan ng San Pedro partikular na sa mga may karamdaman. Ang huling araw ng medical mission na pinangunahan nina doctors Kang, Byung Suk (gynecologist & president of Global Charity Association); Shim, Byeong Soo (neurosurgeon); Jeong, Hyung Tae (dentist); Jung, Dae Ho (physician); Park, Seung Won (pediatrician); Park, Ki Ju (family medicine); Kim, Jae Min (dental hygienist); mga volunteers at City Health Office staff, ay ginanap sa Brgy. Cuyab covered court noong Oct. 29, 2017. Umabot sa 376 pasyente ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal ngayong huling araw.