GLOBAL CHARITY ASSOCIATION AT SALT AND LIGHT INTERNATIONAL NG SOUTH KOREA MULING DUMALAW SA LUNGSOD NG SAN PEDRO

Malugod na pagsalubong at pagtanggap ang ibinigay ng Pamahalaaang Lungsod sa pagdating ng Global Charity Association at Salt and Light International World Missions, Inc. kasama ang day care children. Pinangunahan ni former mayor Calixto R. Cataquiz ang pagsalubong kina Global Charity Pres. Byung Suk Kang, Dr. Byeong Soo Shim, Dr. Dao Ho Jung, Dr. Seung Won Park, Dr. Jae Min Kim at nurses noong Oktubre 27, 2017 sa ganap na ika-10:00 ng umaga.

Tinanggap ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at former mayor Calixto R. Cataquiz ang mga token mula kay Global Charity president Byung Suk Kang ng Yeosu City, South Korea. Ito ay bilang tanda ng pagsasamahan ng dalawang lungsod upang palawigin pa ang pagtutulungan, pagpapalitan ng kaalaman at pagdadamayan ng lungsod.
Oct. 27, 2017

   

Tinanggap ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang 30 units ng desktop computers at development fund para sa 11 day care centers mula sa Global Charity Association of Yeosu City, South Korea. Layon ni Global Charity Pres. Byung Suk Kang na makatulong sa San Pedronians at makapagsilbi sa pamamagitan ng medical mission na siya umanong paraan upang lumago pa ang mainit na pagkakaibigan ng dalawang panig. Ang turnover ceremony ay ginanap sa Multi-purpose hall noong Oktubre 27, 2017.