Buntis Congress 2017

Mga ina at sanggol, bida sa 2017 Buntis Congress. Umabot sa 119 na buntis ang nagkaroon ng pagkakataong matuto ng mga dapat at hindi dapat gawin bilang isang ina sa Buntis Congress – Alagang Ina, Alagang Baby na may temang, “Infant Disability Awareness,” noong July 17, 2017, sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall.
Nagbigay ng mga paalala at aral tulad ng pre-natal check-up, sintomas ng mga panganib sa panahon ng pagbubuntis at maaaring komplikasyon sa panahon ng pagdadalantao at benepisyong makukuha sa Philhealth sina doctors Annalyn Insorio, OB-Gyn, at Robert Olivarez, OIC ng City Health Office; City Nutritionist Judd Carlo Castillo at head nurse Riah Fojas. Katuwang ko ang mga kawani ng CHO sa pamamahagi ng buntis kits sa mga ilaw ng tahanan na dumalo.

11229783_1518444744885567_8883004575605979937_o 20157959_1518445551552153_119331313062123696_o 20232049_1518445941552114_2135776412809002868_o 20232145_1518444121552296_3924674774193570893_o

Social Protection Handbook, Itutuloy

 

Upang magabayan at matukoy kung ano ang pangunahing pangangailangan o problema ng barangay, ay ipagpapatuloy ang paggamit ng Social Protection handbook at paggawa ng social development report sa pamamagitan ng pag conduct ng Family Survey on Risk and Vulnerability na kung saan mailalaan ang pondo.
Nagbahagi ng kaalaman sina Eden Arce at Leonard Dean Pestaño Planning Officer ng DSWD Region IVA sa isinagawang 3-day training para sa lahat ng barangay chairman, secretary at komite ng social protection patungkol sa Orientation and Workshop on Social Protection Handbook and Social Protection Development Report. Ito naturang programa ay pinangasiwaan ng CSWD, GAD at CPDC.

20117156_1518413654888676_8390570718543625646_o 20117163_1518411611555547_1835265466777693462_o 20121267_1518410784888963_232060115629243851_o 20121270_1518416514888390_5839853636761395030_o 20121568_1518415911555117_9003827098672950371_o 20157125_1518413918221983_8196431170371368628_o 20157144_1518414711555237_6035936001824034528_o 20157306_1518415458221829_1892624666277139650_o 20157322_1518415161555192_2064093668499623144_o 20157413_1518413274888714_5084302253331605495_o 20157859_1518412748222100_214356585972103459_o 20247570_1518411138222261_3017464181465435819_o

101 Years Young… and counting!

 

“Maging faithful sa iyong asawa at maging under ka rin paminsan-minsan,” ito ang sikretong pampahaba ng buhay na pabirong ibinahagi ni Marcelino O. Ostrea, edad101, matapos na makatanggap ng P100,000 centennial bonus mula sa DSWD Region IV noong July 14, 2017.Si Ostrea ay kasalukuyang naninirahan sa Phase I, Holiday Homes, Brgy. San Antonio, San Pedro City, at ipinanganak noong Nov. 1, 1915.

20121400_1518402071556501_6237664356194550699_o 20157207_1518401778223197_6649730165714474099_o 20157963_1518402354889806_5235961704057117494_o 20232769_1518400761556632_3143170815746723340_o

PUP-SPC Students’ Orientation, Gen. Assembly & Oath Taking of New Student Leaders

Tayo ay dumalo at nagbigay ng maikling mensahe para sa mga mahal nating mag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines – San Pedro Campus (PUP-SPC) noong July 12, 2017. Congratulations sa mga bago nating student leaders. Sa ating mga mahal na mag-aaral ng PUP-PSC, sana ay lagi ninyong pagbuhusan ng sipag at tiyaga ang inyong pag-aaral at laging isa-isip ang nakabubuti ng nakararami at ng inyong komunidad.

 

12094807_1518397888223586_8653244514701356939_o 20117125_1518397534890288_5953340578420346338_o 20117184_1518397264890315_8272384858612816093_o 20121280_1518396448223730_223581028903710558_o 20157263_1518398991556809_6919965340945469448_o 20232250_1518399494890092_3456228658387750987_o

War Against Mosquito – Dengue Prevention and Control Program

Upang maiwasan at malabanan ang nakamamatay na sakit na dengue ay nagsagawa ang City Health Office (CHO), katuwang ang Department of Health (DOH), ng Dengue Prevention & Control Program, ang “War Against Mosquito” sa Multi-Purpose Hall, June 16, 2017. Layunin ng programa na maipalaganap ang kaalaman ukol sa sintomas ng dengue at mga pamamaraan ng pagsugpo nito.

Nakibahagi sina CHO Head Dr. Robert Olivarez, Chief Nurse Riah Fojas, Engr. Rainier Palos (Dengue Program Coordinator Provincial Health Office), Registered Nurses Joey Mangunay (Provincial Epidemiology and Surveillance Unit) at Ryan Arboleda ng Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH), Assistant DOH Representative Provincial Health Training Office, DOH Representative RIV-A Denise Paguirigan, DOH regional office staff, barangay health officers and workers, homeowners at mga kagawad.

DSC_5659 DSC_5663 DSC_7115 DSC_7128 DSC_7134 DSC_7135

City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) 2nd CALABARZON quarterly meeting

 

Malugod nating tinanggap ang mga miyembro ng grupong City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) sa Pamahalaang Lungsod sa kanilang pagsasagawa ng 2nd CALABARZON quarterly meeting noong ika-15 ng Hunyo 2017. Dito ay tinalakay ng pederasyon ang kanilang koleksiyon o financial obligations, justification of expenditures/transparency, at  wastong pagbu-budget.

Nakibahagi sa pagtitipon sina CASCASPI President Rey Amistad, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) head Gregoria Ramilo, City Social Welfare Development (CSWD) head Fatima Autor, Councilor Edgardo Berroya, dating mayor Calixto Cataquiz, at mga kinatawan ng bawat grupo mula sa CALABARZON.

DSC_6823 DSC_6826 DSC_6831 DSC_6835 DSC_6839 DSC_6843 DSC_6848 DSC_6851 DSC_6709 DSC_6781

June Brides – Kasalang Bayan June 2017

Nagsagawa tayo ng  “Kasalang Bayan” kung saan apatnapu’t apat (44) na pares ang nag-isang dibdib at nagsumpaan ng kanilang wagas na pag-iibigan.

Saksi sina Councilors Kent Lagasca at Bernadeth Olivares, at mga kaanak ng mga bagong kasal sa napakahalagang okasyon na ito na ginanap sa Pacita Astrodome, June 15, 2017.  Antabayanan po ninyo ang anunsiyo kung kailan ang susunod na kasalang bayan.

BOB_6510 BOB_6549 BOB_6552 BOB_6559 BOB_6567 BOB_6571 BOB_6639 BOB_6706 BOB_6708 BOB_6737 BOB_6786 BOB_6804 DSC_0129 DSC_0133 DSC_0142

SAN VICENTE ELEMENTARY SCHOOL AT PNP SAN PEDRO NAGKAROON NG MGA BAGONG KAGAMITAN

Sa pagdalaw ni Cong. Arlene Arcillas as San Pedro City Hall noong ika-8 ng Mayo, siya ay naghandog ng dalawang (2) set ng computer desktops, printers at photocopy machine para sa San Vicente Elementary School at PNP San Pedro na pinamumunuan ni P/Supt. Harold Depositar. Ang San Pedro Technological Institute (SPTI) graduate na si Ivy Mae Aquino ay atin ring nabigyan ng mga bagong kagamitan na makakatulong sa kaniyang pag-aaral. Maraming salamat Congresswoman Arcillas!

18359377_1445582155505160_8418556647517200392_o 18402087_1445581982171844_9104481713264543586_o 18402154_1445582128838496_7298360390801735746_o 18449541_1445582262171816_2694628232197389614_o

NEGOSYO CENTER – OPISYAL NANG BINUKSAN

18121995_1428999133830129_5964287320079035370_o

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), opisyal nating binuksan ang Negosyo Center noong April 26, 2017 sa Old Municipal Building ng City of San Pedro. Layunin nito na matulungan ang mga mamamayan na makapagtayo ng sariling negosyo at ang mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs) na makasabay sa mga malalaking negosyo sa lungsod.

Ang nasabing programa ay naglalayong maisaayos ang proseso sa pagrerehistro ng negosyo, pagbibigay ng business advisory at consultancy services upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs), at mapalawig ang kaalaman sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng information education. Sa ngayon po ay hindi pa sumasagot ang Negosyo Center ng panimulang pondo para sa negosyo.

18121243_1429001197163256_4885567944714511923_o

Kasama ng inyong lingkod sa ribbon cutting at blessing sina Rev. Fr. Blumintrit Fabriquel, Jr. SDP (Servants of the Poor), City Administrator Filemon Sibulo, City Consultant Leslie-Lu, Executive Assistant II/Bottom-up Budgeting Focal Person Lirio Rivera, BUB-PMT Pablo Castillo Jr., at mga Department Heads and representatives, kabilang din ang Barangay representatives, businessmen, Local Government Units (LGUs), at DTI executives and staff na sina DTI Provincial Director Susan Palo, DTI Asst. Regional Director- Region IV-A Marcelina Alcantara, at iba pa.

Pagkatapos nito ay ating dinaluhan ang seminar ukol sa “Business Management Skills and Entrepreneurial Mindset” seminar para sa Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng New City Hall Building ng City of San Pedro noong araw ding iyon. Dito’y ibinahagi ng guest speaker/President at Franchisor ng Oryspa Spa Solutions na si Sherill Ramos Quintana ang mindset guidelines upang maging matagumpay ang isang negosyante. Ako rin ay nagbahagi ng aking sariling karanasan sa matagumpay na pagpapatakbo ng aming negosyo.

Para sa mga katanungan, maaari pong tumawag sa 808-2020 local 301 , mobile # 09282996517 o mag-email sa nc.sanpedrocity@gmail.com.

 

 

18056592_1429002103829832_3700842085800836184_o  18121268_1429006610496048_8619131290928087090_o 18121396_1429000157163360_2586404189305101555_o 18121545_1429005640496145_8873711066857490602_o 18121563_1429004763829566_918975607085974647_o  18156182_1429004627162913_4417835346887817486_o 18156475_1428999853830057_7190265577649776945_o 18156687_1429001400496569_6372172078567166999_o 18193213_1429001133829929_4354234102930260764_o 18208950_1429000340496675_4108825663196151929_o

Leadership, Service and Commitment (LSC) Awards 2017

17990194_1420599871336722_3469104818338821356_o

Umabot sa 363 na graduating students at board passers ang ginawaran ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng 2017 LSC (Leadership, Service and Commitment) Awards sa Pacita Astrodome noong ika-18 ng Abril, 6pm.

Ang paggawad ng parangal sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng academic excellence and accomplishments ay pinangunahan ng inyong lingkod kasama sina Dr. Jovito Barcenas, Vice Mayor Iryne Vierneza, Councilors Jimbo Ambayec Edgardo “Bobot” Berroya, Celso Ambayec, Kent Lagasca at Bernadeth O. Cuevas, CSWD Head Fatima Autor at guest of honor and speaker Kabataan Partylist National President Marjohara Tucay.

 

 

17991458_1420600878003288_7530730170684760123_o 18076665_1420600294670013_2016061816066096500_o 18076812_1420598144670228_6899357041907758052_o 18055705_1420598501336859_5425134760841918004_o 18056070_1420601124669930_593463183215931196_o 17966366_1420599394670103_3011274063386377096_o