World Milk Day sa San Pedro Central Elementary School

Rumatsada ang Alaska Milk Corp., katuwang ang City of San Pedro at Department of Education (DepEd) Region IV CALABARZON noong ika-16 ng Hunyo 2016, sa paghimok sa mga kabataan at mag-aaral ng San Pedro Central Elementary School na ugaliin ang pag-inom ng gatas upang mapanatiling malusog ang pangangatawan at pamumuhay. Itinampok sa naturang programa, na kaugnay sa selebrasyon ng World Milk Day, ang kahalagahan ng tamang nutrisyon.

Ang programa ay nakasentro sa gatas bilang pandaigdigang pagkain para sa kalusugan at mabuting panga­ngatawan.

DSC_6909 DSC_6924 DSC_6972 DSC_6975 DSC_6985 DSC_7003 DSC_7035 DSC_7041 DSC_7066 DSC_7074 DSC_7024 DSC_7032 DSC_7046 DSC_7093 DSC_7094 DSC_7100

War Against Mosquito – Dengue Prevention and Control Program

Upang maiwasan at malabanan ang nakamamatay na sakit na dengue ay nagsagawa ang City Health Office (CHO), katuwang ang Department of Health (DOH), ng Dengue Prevention & Control Program, ang “War Against Mosquito” sa Multi-Purpose Hall, June 16, 2017. Layunin ng programa na maipalaganap ang kaalaman ukol sa sintomas ng dengue at mga pamamaraan ng pagsugpo nito.

Nakibahagi sina CHO Head Dr. Robert Olivarez, Chief Nurse Riah Fojas, Engr. Rainier Palos (Dengue Program Coordinator Provincial Health Office), Registered Nurses Joey Mangunay (Provincial Epidemiology and Surveillance Unit) at Ryan Arboleda ng Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH), Assistant DOH Representative Provincial Health Training Office, DOH Representative RIV-A Denise Paguirigan, DOH regional office staff, barangay health officers and workers, homeowners at mga kagawad.

DSC_5659 DSC_5663 DSC_7115 DSC_7128 DSC_7134 DSC_7135

City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) 2nd CALABARZON quarterly meeting

 

Malugod nating tinanggap ang mga miyembro ng grupong City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) sa Pamahalaang Lungsod sa kanilang pagsasagawa ng 2nd CALABARZON quarterly meeting noong ika-15 ng Hunyo 2017. Dito ay tinalakay ng pederasyon ang kanilang koleksiyon o financial obligations, justification of expenditures/transparency, at  wastong pagbu-budget.

Nakibahagi sa pagtitipon sina CASCASPI President Rey Amistad, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) head Gregoria Ramilo, City Social Welfare Development (CSWD) head Fatima Autor, Councilor Edgardo Berroya, dating mayor Calixto Cataquiz, at mga kinatawan ng bawat grupo mula sa CALABARZON.

DSC_6823 DSC_6826 DSC_6831 DSC_6835 DSC_6839 DSC_6843 DSC_6848 DSC_6851 DSC_6709 DSC_6781

June Brides – Kasalang Bayan June 2017

Nagsagawa tayo ng  “Kasalang Bayan” kung saan apatnapu’t apat (44) na pares ang nag-isang dibdib at nagsumpaan ng kanilang wagas na pag-iibigan.

Saksi sina Councilors Kent Lagasca at Bernadeth Olivares, at mga kaanak ng mga bagong kasal sa napakahalagang okasyon na ito na ginanap sa Pacita Astrodome, June 15, 2017.  Antabayanan po ninyo ang anunsiyo kung kailan ang susunod na kasalang bayan.

BOB_6510 BOB_6549 BOB_6552 BOB_6559 BOB_6567 BOB_6571 BOB_6639 BOB_6706 BOB_6708 BOB_6737 BOB_6786 BOB_6804 DSC_0129 DSC_0133 DSC_0142

Kasalang Bayan – June 16, 2017

Ang buwan ng Hunyo ay espesyal sa mga magkasintahang nais magpakasal. Dahil sa tradisyong ito, tayo ay magsasagawa ng kasalang bayan sa Hunyo 16, 2017. Mangyari lamang na kompletuhin ang mga requirements na nabanggit. Para po sa karagdagang katanungan, pakitawagan lamang ang ating City Civil Registrar sa 808-2020 local 108.

Kasalang Bayan Requirements (Low Res)

NEGOSYO CENTER – OPISYAL NANG BINUKSAN

18121995_1428999133830129_5964287320079035370_o

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), opisyal nating binuksan ang Negosyo Center noong April 26, 2017 sa Old Municipal Building ng City of San Pedro. Layunin nito na matulungan ang mga mamamayan na makapagtayo ng sariling negosyo at ang mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs) na makasabay sa mga malalaking negosyo sa lungsod.

Ang nasabing programa ay naglalayong maisaayos ang proseso sa pagrerehistro ng negosyo, pagbibigay ng business advisory at consultancy services upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs), at mapalawig ang kaalaman sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng information education. Sa ngayon po ay hindi pa sumasagot ang Negosyo Center ng panimulang pondo para sa negosyo.

18121243_1429001197163256_4885567944714511923_o

Kasama ng inyong lingkod sa ribbon cutting at blessing sina Rev. Fr. Blumintrit Fabriquel, Jr. SDP (Servants of the Poor), City Administrator Filemon Sibulo, City Consultant Leslie-Lu, Executive Assistant II/Bottom-up Budgeting Focal Person Lirio Rivera, BUB-PMT Pablo Castillo Jr., at mga Department Heads and representatives, kabilang din ang Barangay representatives, businessmen, Local Government Units (LGUs), at DTI executives and staff na sina DTI Provincial Director Susan Palo, DTI Asst. Regional Director- Region IV-A Marcelina Alcantara, at iba pa.

Pagkatapos nito ay ating dinaluhan ang seminar ukol sa “Business Management Skills and Entrepreneurial Mindset” seminar para sa Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng New City Hall Building ng City of San Pedro noong araw ding iyon. Dito’y ibinahagi ng guest speaker/President at Franchisor ng Oryspa Spa Solutions na si Sherill Ramos Quintana ang mindset guidelines upang maging matagumpay ang isang negosyante. Ako rin ay nagbahagi ng aking sariling karanasan sa matagumpay na pagpapatakbo ng aming negosyo.

Para sa mga katanungan, maaari pong tumawag sa 808-2020 local 301 , mobile # 09282996517 o mag-email sa nc.sanpedrocity@gmail.com.

 

 

18056592_1429002103829832_3700842085800836184_o  18121268_1429006610496048_8619131290928087090_o 18121396_1429000157163360_2586404189305101555_o 18121545_1429005640496145_8873711066857490602_o 18121563_1429004763829566_918975607085974647_o  18156182_1429004627162913_4417835346887817486_o 18156475_1428999853830057_7190265577649776945_o 18156687_1429001400496569_6372172078567166999_o 18193213_1429001133829929_4354234102930260764_o 18208950_1429000340496675_4108825663196151929_o

Leadership, Service and Commitment (LSC) Awards 2017

17990194_1420599871336722_3469104818338821356_o

Umabot sa 363 na graduating students at board passers ang ginawaran ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng 2017 LSC (Leadership, Service and Commitment) Awards sa Pacita Astrodome noong ika-18 ng Abril, 6pm.

Ang paggawad ng parangal sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng academic excellence and accomplishments ay pinangunahan ng inyong lingkod kasama sina Dr. Jovito Barcenas, Vice Mayor Iryne Vierneza, Councilors Jimbo Ambayec Edgardo “Bobot” Berroya, Celso Ambayec, Kent Lagasca at Bernadeth O. Cuevas, CSWD Head Fatima Autor at guest of honor and speaker Kabataan Partylist National President Marjohara Tucay.

 

 

17991458_1420600878003288_7530730170684760123_o 18076665_1420600294670013_2016061816066096500_o 18076812_1420598144670228_6899357041907758052_o 18055705_1420598501336859_5425134760841918004_o 18056070_1420601124669930_593463183215931196_o 17966366_1420599394670103_3011274063386377096_o

 

 

San Pedro Technological Institute (SPTI) Skills Olympics 2017

Kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month, nagdaos ang San Pedro Technological Institute (SPTI) ng Skills Olympics noong ika-20 ng Marso, 2017 sa San Pedro City Plaza simula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

“We Make Change Work For Women” ang tema ng Women’s Month ngayong taon kaya para sa mga Samahan ng mga Kababaihan (SKL) ay nagkaroon ng libreng gupit, massage, manicure, pedicure, beauty care. Nagkaroon din ng seminar tungkol sa common diseases.

Kailangang sumabay tayo sa panahon para makasunod sa pangangailangan ng tao katulad ng mga kursong welding, automotive, electrician hindi lamang ito para sa mga  kalalakihan  kundi sa mga kababaihan na rin. Ang pangunahing adhikain ng SPTI ay mabigyan ng oportunidad ang mamamayan upang umasenso at mabigyan ng pagkakataon ang Persons with Dissability (PWD) na makapag-aral.

BOB_8619 BOB_8659 BOB_8708 - Copy BOB_8727 BOB_8736 BOB_8751 BOB_8753 BOB_8759 BOB_8829 BOB_8766 BOB_8923 BOB_8935 BOB_8839 BOB_8846 BOB_8867 BOB_8962 BOB_8970 BOB_8971

Tulong Pinansyal para sa isang mas maayos na tahanan

Ang pagkakaroon ng isang maayos na tahanan ay isa sa mga pangarap na nais maabot ng halos lahat sa atin. Ating tinulungan sa pamamagitan ng pagpopondo ng livelihood projects at pagbibigay ng financial assistance ang mga informal settlers mula sa Sito Samaniego, Hilltop (Road right of way) , Elvinda, at Viva footwear upang sila ay makabangon at makapagsimulang muli.

Ang pamamahagi ng financial assistance ay ginanap noong December 13, 2016  sa tulong ng ating City Social Welfare and Development Office (CSWD) at City Urban Development and Housing Office (CUDHO).

DSC_8428 DSC_8436 DSC_8438 DSC_8441 DSC_8443

Libreng Kasalang Bayan – Disyembre 2016

15271828_1278073768922667_9034264939844700016_o

 

Ating nasaksihan ang pag-iisang dibdib ng apatnapung magkakapareha sa kasalang bayang ginanap noong Disyembre 2, 2016 sa San Pedro Astrodome. Maraming salamat sa Local City Registrar’s office na naging katuwang ko sa programang ito.

Ako’y nagagalak at sa mga proyektong kagaya nito ay napapatibay natin ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan na siya namang nagiging matibay na pundasyon sa pagbubuo ng pamilya.

Bukod sa libreng kasalan, tayo ay nagpaunlak ng libreng lunch para sa kanila at libreng wedding cake at wedding pictures.

Ang kahalagahan ng kasal ay di mapapasubalian ng anumang puwersa kung matatag at nababatay sa katotohanan, paggalang at kabutihang loob.

Mabuhay ang mga bagong kasal!

15259599_1278071355589575_6110879485981433472_o 15259713_1278075665589144_1193891709924367378_o  15272010_1278076258922418_3789389290523244858_o 15288445_1278072305589480_8448517409562634308_o 15326292_1278073308922713_4341698913842631702_o 15369989_1278074315589279_1295434900730613257_o 15370059_1278070562256321_1187280419371941399_o 15384532_1278080002255377_5869804636771849401_o 15385463_1278069602256417_8113094497718407342_o 15385519_1278078045588906_2503153341263367551_o

Photo Credits: Bobby Acosta