War Against Mosquito – Dengue Prevention and Control Program

Upang maiwasan at malabanan ang nakamamatay na sakit na dengue ay nagsagawa ang City Health Office (CHO), katuwang ang Department of Health (DOH), ng Dengue Prevention & Control Program, ang “War Against Mosquito” sa Multi-Purpose Hall, June 16, 2017. Layunin ng programa na maipalaganap ang kaalaman ukol sa sintomas ng dengue at mga pamamaraan ng pagsugpo nito.

Nakibahagi sina CHO Head Dr. Robert Olivarez, Chief Nurse Riah Fojas, Engr. Rainier Palos (Dengue Program Coordinator Provincial Health Office), Registered Nurses Joey Mangunay (Provincial Epidemiology and Surveillance Unit) at Ryan Arboleda ng Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH), Assistant DOH Representative Provincial Health Training Office, DOH Representative RIV-A Denise Paguirigan, DOH regional office staff, barangay health officers and workers, homeowners at mga kagawad.

DSC_5659 DSC_5663 DSC_7115 DSC_7128 DSC_7134 DSC_7135

City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) 2nd CALABARZON quarterly meeting

 

Malugod nating tinanggap ang mga miyembro ng grupong City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) sa Pamahalaang Lungsod sa kanilang pagsasagawa ng 2nd CALABARZON quarterly meeting noong ika-15 ng Hunyo 2017. Dito ay tinalakay ng pederasyon ang kanilang koleksiyon o financial obligations, justification of expenditures/transparency, at  wastong pagbu-budget.

Nakibahagi sa pagtitipon sina CASCASPI President Rey Amistad, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) head Gregoria Ramilo, City Social Welfare Development (CSWD) head Fatima Autor, Councilor Edgardo Berroya, dating mayor Calixto Cataquiz, at mga kinatawan ng bawat grupo mula sa CALABARZON.

DSC_6823 DSC_6826 DSC_6831 DSC_6835 DSC_6839 DSC_6843 DSC_6848 DSC_6851 DSC_6709 DSC_6781

June Brides – Kasalang Bayan June 2017

Nagsagawa tayo ng  “Kasalang Bayan” kung saan apatnapu’t apat (44) na pares ang nag-isang dibdib at nagsumpaan ng kanilang wagas na pag-iibigan.

Saksi sina Councilors Kent Lagasca at Bernadeth Olivares, at mga kaanak ng mga bagong kasal sa napakahalagang okasyon na ito na ginanap sa Pacita Astrodome, June 15, 2017.  Antabayanan po ninyo ang anunsiyo kung kailan ang susunod na kasalang bayan.

BOB_6510 BOB_6549 BOB_6552 BOB_6559 BOB_6567 BOB_6571 BOB_6639 BOB_6706 BOB_6708 BOB_6737 BOB_6786 BOB_6804 DSC_0129 DSC_0133 DSC_0142

SAN VICENTE ELEMENTARY SCHOOL AT PNP SAN PEDRO NAGKAROON NG MGA BAGONG KAGAMITAN

Sa pagdalaw ni Cong. Arlene Arcillas as San Pedro City Hall noong ika-8 ng Mayo, siya ay naghandog ng dalawang (2) set ng computer desktops, printers at photocopy machine para sa San Vicente Elementary School at PNP San Pedro na pinamumunuan ni P/Supt. Harold Depositar. Ang San Pedro Technological Institute (SPTI) graduate na si Ivy Mae Aquino ay atin ring nabigyan ng mga bagong kagamitan na makakatulong sa kaniyang pag-aaral. Maraming salamat Congresswoman Arcillas!

18359377_1445582155505160_8418556647517200392_o 18402087_1445581982171844_9104481713264543586_o 18402154_1445582128838496_7298360390801735746_o 18449541_1445582262171816_2694628232197389614_o

Kasalang Bayan – June 16, 2017

Ang buwan ng Hunyo ay espesyal sa mga magkasintahang nais magpakasal. Dahil sa tradisyong ito, tayo ay magsasagawa ng kasalang bayan sa Hunyo 16, 2017. Mangyari lamang na kompletuhin ang mga requirements na nabanggit. Para po sa karagdagang katanungan, pakitawagan lamang ang ating City Civil Registrar sa 808-2020 local 108.

Kasalang Bayan Requirements (Low Res)

NEGOSYO CENTER – OPISYAL NANG BINUKSAN

18121995_1428999133830129_5964287320079035370_o

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), opisyal nating binuksan ang Negosyo Center noong April 26, 2017 sa Old Municipal Building ng City of San Pedro. Layunin nito na matulungan ang mga mamamayan na makapagtayo ng sariling negosyo at ang mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs) na makasabay sa mga malalaking negosyo sa lungsod.

Ang nasabing programa ay naglalayong maisaayos ang proseso sa pagrerehistro ng negosyo, pagbibigay ng business advisory at consultancy services upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga negosyante na nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs), at mapalawig ang kaalaman sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng information education. Sa ngayon po ay hindi pa sumasagot ang Negosyo Center ng panimulang pondo para sa negosyo.

18121243_1429001197163256_4885567944714511923_o

Kasama ng inyong lingkod sa ribbon cutting at blessing sina Rev. Fr. Blumintrit Fabriquel, Jr. SDP (Servants of the Poor), City Administrator Filemon Sibulo, City Consultant Leslie-Lu, Executive Assistant II/Bottom-up Budgeting Focal Person Lirio Rivera, BUB-PMT Pablo Castillo Jr., at mga Department Heads and representatives, kabilang din ang Barangay representatives, businessmen, Local Government Units (LGUs), at DTI executives and staff na sina DTI Provincial Director Susan Palo, DTI Asst. Regional Director- Region IV-A Marcelina Alcantara, at iba pa.

Pagkatapos nito ay ating dinaluhan ang seminar ukol sa “Business Management Skills and Entrepreneurial Mindset” seminar para sa Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng New City Hall Building ng City of San Pedro noong araw ding iyon. Dito’y ibinahagi ng guest speaker/President at Franchisor ng Oryspa Spa Solutions na si Sherill Ramos Quintana ang mindset guidelines upang maging matagumpay ang isang negosyante. Ako rin ay nagbahagi ng aking sariling karanasan sa matagumpay na pagpapatakbo ng aming negosyo.

Para sa mga katanungan, maaari pong tumawag sa 808-2020 local 301 , mobile # 09282996517 o mag-email sa nc.sanpedrocity@gmail.com.

 

 

18056592_1429002103829832_3700842085800836184_o  18121268_1429006610496048_8619131290928087090_o 18121396_1429000157163360_2586404189305101555_o 18121545_1429005640496145_8873711066857490602_o 18121563_1429004763829566_918975607085974647_o  18156182_1429004627162913_4417835346887817486_o 18156475_1428999853830057_7190265577649776945_o 18156687_1429001400496569_6372172078567166999_o 18193213_1429001133829929_4354234102930260764_o 18208950_1429000340496675_4108825663196151929_o

Leadership, Service and Commitment (LSC) Awards 2017

17990194_1420599871336722_3469104818338821356_o

Umabot sa 363 na graduating students at board passers ang ginawaran ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng 2017 LSC (Leadership, Service and Commitment) Awards sa Pacita Astrodome noong ika-18 ng Abril, 6pm.

Ang paggawad ng parangal sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng academic excellence and accomplishments ay pinangunahan ng inyong lingkod kasama sina Dr. Jovito Barcenas, Vice Mayor Iryne Vierneza, Councilors Jimbo Ambayec Edgardo “Bobot” Berroya, Celso Ambayec, Kent Lagasca at Bernadeth O. Cuevas, CSWD Head Fatima Autor at guest of honor and speaker Kabataan Partylist National President Marjohara Tucay.

 

 

17991458_1420600878003288_7530730170684760123_o 18076665_1420600294670013_2016061816066096500_o 18076812_1420598144670228_6899357041907758052_o 18055705_1420598501336859_5425134760841918004_o 18056070_1420601124669930_593463183215931196_o 17966366_1420599394670103_3011274063386377096_o

 

 

San Pedro Technological Institute (SPTI) Skills Olympics 2017

Kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month, nagdaos ang San Pedro Technological Institute (SPTI) ng Skills Olympics noong ika-20 ng Marso, 2017 sa San Pedro City Plaza simula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

“We Make Change Work For Women” ang tema ng Women’s Month ngayong taon kaya para sa mga Samahan ng mga Kababaihan (SKL) ay nagkaroon ng libreng gupit, massage, manicure, pedicure, beauty care. Nagkaroon din ng seminar tungkol sa common diseases.

Kailangang sumabay tayo sa panahon para makasunod sa pangangailangan ng tao katulad ng mga kursong welding, automotive, electrician hindi lamang ito para sa mga  kalalakihan  kundi sa mga kababaihan na rin. Ang pangunahing adhikain ng SPTI ay mabigyan ng oportunidad ang mamamayan upang umasenso at mabigyan ng pagkakataon ang Persons with Dissability (PWD) na makapag-aral.

BOB_8619 BOB_8659 BOB_8708 - Copy BOB_8727 BOB_8736 BOB_8751 BOB_8753 BOB_8759 BOB_8829 BOB_8766 BOB_8923 BOB_8935 BOB_8839 BOB_8846 BOB_8867 BOB_8962 BOB_8970 BOB_8971

Maraming Salamat sa Sunhan Medical Forum

My heartfelt gratitude to the the men and women of Sunhan Medical Forum who came all the way from Korea to answer to a higher calling of providing free medical services to San Pedronians from January 28 – 30, 2017. Mr. Han Sung Park, it has always been a pleasure to work with you, and your selfless team of medical professionals. Mabuhay po kayong lahat!

16142310_1336644419732268_6248656706442038555_n 16174733_1336644263065617_5912216792622532004_n 16194961_1336644196398957_2024589914394617564_n 16195230_1336644209732289_39814020574789578_n 16195627_1336644159732294_3170366672976067922_n 16265682_1336644346398942_58253661522350775_n 16265881_1336644193065624_4551455488605832083_n 16406914_1336644189732291_9194484582604876918_n

Veterans Federation of the Philippines 1st Laguna San Pedro Post Sons and Daughters Association Christmas Party

Malapit sa aking puso ang mga Beterano. Hindi maitatanggi ang sakripisyo nila para sa ating lahat noong panahon ng digmaan, kaya marapat lamang na atin silang alalahanin at bigyan ng halaga. Maraming salamat sa Veterans Federation of the Philippines – 1st Laguna San Pedro Post Sons and Daughters Association sa pagimbita sa akin para makisaya sa inyong Christmas Party noong December 14, 2016.

15442157_1290071727722871_361524402665525826_n 15442201_1290071444389566_2154316713260229598_n 15442366_1290071804389530_3163946304650629643_n 15541375_1290070907722953_3752300101625841866_n 15541637_1290071524389558_8322691934124001396_n