City of San Pedro successfully holds Youth Week 2017

 

Ang Youth Week ay ginaganap taun-taon ng pamahalaang lungsod upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maranasan na gumanap bilang city officials sa loob ng isang lingo.
Pinangunahan sila ni Junior City Mayor John Rick De Leon ng Sampaguita National High School at Junior Vice Mayor Cielo Angelo C. Aguilar ng Pacita National High School ang kanilang panunumpa na ginanap noong ika-22 ng Agosto, 2017. Ang pagtatalaga ng Junior City Officials ay kaugnay ng pagdiriwang ng 2017 Youth Week mula Agosto 19-25.

Ang mga Junior City Councilors ay sina: Kerc Gerald Gicana (Academia Institucion de San Pedro), Gabriel Igonia (IETI College of Science & Technology), Keizelle Marie Lagustan (Jesus, the Faithful Savior School), Yves Reyes (Vian Rechel Academy), Lovely Jewell Sampang (SPRCNHS-Main Campus), Cedrick Alolor (Cittadini School), Michelle Diamante (United Montessorean School), Ma. Ella Mae Lamit (Colegio de San Pedro), Pauline Angela Vierneza (St. Peter Academy), Dhana Marie Garcia (St. Paul Montessori), Kien Ibardaloza (Vian Rechel Academy).
Ang mga itinalagang Department Heads ay kinabibilangan nina: Jr. City Administrator Carla Marie Concepcion (Pacita National High School); Jr City Administrative Officer Mary Ann Mina (Jesus, The Faithful Savior) Jr. City Treasurer Bianca Reyes (Casa Del Niño Montessori); Jr. City Budget Officer Angelo Embing (St. Therese of the Child Jesus); Jr. City Accountant Chzanaiah Caranza (Academia Institucion de San Pedro); Jr. CSWD Officer Shekinah Marie Nazareno (United Montessorean School); Jr. GSO Rana Bianca Veluz (Adelina 1A High School); Jr. City Health Officer Andrei Leal (San Francisco de Sales); Jr. City Assessor Jessabel De Villa (IETI College of Science and Technology); Jr. PESO Manager Anaceto Macuto (St. Vicent De Paul Montessori); Jr. B.P.L.O Officer Sophia Marie Puracan (Agnus Dei School System, Inc.); Jr. OBOZA Officer Jibel Rose Tamayo (Our Lady of Assumption College); Jr. City Local Civil Registrar Josh Geraurd Angeles (St. Therese of the Child); Jr. Public Order & Safety Officer Kim Marlon Bandol (SPRCNHS-Landayan); Jr. Agriculturist Arabella Villaruel (Cittadini School); Jr. Urban Dev’t & Housing Officer Jazmyn Reigne Crampatana (SPRCNHS-Landayan); Jr. SPTI Administrator Tristan John Namocatcat (Jesus the Risen Savior School); Jr. D.L.I.G Officer Jhyrynn Barcelona (Sisters of Mary Immaculate School); Jr. CENRO Officer Kyra Karmela Dela Cruz (Liceo De San Pedro); Jr. City Engineer Kal-el Franco Carasig (Our Lady of Assumption College) ; Jr. City Youth & Sports Dev’t Officer Justin John Nob (Adelina 1 High School); Jr. City Legal Officer Cheska Diana Samaniego (St. Louis Anne College); Jr. S.P. Secretary Tehillah Oquias (Jesus the Rock of All Ages Christian School); Jr. City Architect Derick Allen Basabas (Colegio De San Pedro); Jr. City Planning & Dev’t Officer Tanya Granados (Casa Del Niño Montessori); Jr. Public Affairs & Information Officer Franchesca Sebastian (Immaculate Heart); Jr. CDRMMO Officer Patrick Henry Paglilauan (St. Louis Anne College).

3rd Asean Mayors Forum

Suportado ng City of San Pedro ang layunin ng ASEAN Mayors Forum na patibayin ang kalidad ng buhay at panatilihin ang kaayusan ng kapaligiran sa pamamagitan ng mga programa at proyekto sa ilalim ng San Pedro City Development Plan. Tayo ay dumalo sa  3rd “Asean Mayors Forum” sa Shangrila at The Fort sa Taguig City noong Hulyo 26-27, 2017. Ito ay inorganisa ng United Cities and Local Governments in Asia-Pacific (UCLG ASPAC) in collaboration with the League of Cities of the Philippines (LCP) at Taguig City. Kasama ko sina Former Councilor at consultant Leslie Lu, Susie Miranda at Executive Assistant Yvonne Geolingo. 
Ang Forum, na may temang “Partnering for Change, Engaging the World”, ay may layuning makapagtaguyod ng matibay na samahan at pag-uugnayan sa pagitan ng mga kaanib sa ASEAN upang sama-sama nilang mapalaganap ang kaunlaran sa pangunguna ng mga Local Government Units (LGUs) para sa ikauunlad at ikagiginhawa ng buhay ng mamamayanan sa mga lugar na sakop ng ASEAN Blueprint.

20292649_516073475451069_4528795236325739660_n 20292989_516073538784396_5785254749813519809_n 20643302_1537556039641104_4372064395695661239_o 20689905_1537556136307761_6645107745199915370_o

City Development Plan, Maisasakatuparan na!

Ang ating City Development Plan ay naglalayong maiangat ang antas at matugunan ang mga pangangailangan sa paaralan/edukasyon, turismo, city government offices, social programs, mga pagawain at higit sa lahat ang priority project sa pagpapagawa ng North bound exit sa San Pedro. Ang San Pedro ay may pondong 1 bilyon na nakalaan sa pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng mga pangunahing proyekto at programa.
Kasabay ng programa ay nagkaroon ng surprise birthday party para kay Congresswoman Arlene B. Arcillas (July 21, 2017). Aniya, P250 milyon ang nakalaang pondo para sa pagpapagawa ng northbound exit .

20248049_1524087430987965_7297389677637290818_o 20280549_1524093610987347_5054224730441597433_o 20280604_1524100027653372_3515912477348725663_o 20286774_1524088654321176_8138396099859309003_o 20286785_1524099744320067_95014348181475887_o 20369627_1524083774321664_5585809059088213511_o 20369907_1524068840989824_5361669765213925698_o

Social Protection Handbook, Itutuloy

 

Upang magabayan at matukoy kung ano ang pangunahing pangangailangan o problema ng barangay, ay ipagpapatuloy ang paggamit ng Social Protection handbook at paggawa ng social development report sa pamamagitan ng pag conduct ng Family Survey on Risk and Vulnerability na kung saan mailalaan ang pondo.
Nagbahagi ng kaalaman sina Eden Arce at Leonard Dean Pestaño Planning Officer ng DSWD Region IVA sa isinagawang 3-day training para sa lahat ng barangay chairman, secretary at komite ng social protection patungkol sa Orientation and Workshop on Social Protection Handbook and Social Protection Development Report. Ito naturang programa ay pinangasiwaan ng CSWD, GAD at CPDC.

20117156_1518413654888676_8390570718543625646_o 20117163_1518411611555547_1835265466777693462_o 20121267_1518410784888963_232060115629243851_o 20121270_1518416514888390_5839853636761395030_o 20121568_1518415911555117_9003827098672950371_o 20157125_1518413918221983_8196431170371368628_o 20157144_1518414711555237_6035936001824034528_o 20157306_1518415458221829_1892624666277139650_o 20157322_1518415161555192_2064093668499623144_o 20157413_1518413274888714_5084302253331605495_o 20157859_1518412748222100_214356585972103459_o 20247570_1518411138222261_3017464181465435819_o

101 Years Young… and counting!

 

“Maging faithful sa iyong asawa at maging under ka rin paminsan-minsan,” ito ang sikretong pampahaba ng buhay na pabirong ibinahagi ni Marcelino O. Ostrea, edad101, matapos na makatanggap ng P100,000 centennial bonus mula sa DSWD Region IV noong July 14, 2017.Si Ostrea ay kasalukuyang naninirahan sa Phase I, Holiday Homes, Brgy. San Antonio, San Pedro City, at ipinanganak noong Nov. 1, 1915.

20121400_1518402071556501_6237664356194550699_o 20157207_1518401778223197_6649730165714474099_o 20157963_1518402354889806_5235961704057117494_o 20232769_1518400761556632_3143170815746723340_o

PUP-SPC Students’ Orientation, Gen. Assembly & Oath Taking of New Student Leaders

Tayo ay dumalo at nagbigay ng maikling mensahe para sa mga mahal nating mag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines – San Pedro Campus (PUP-SPC) noong July 12, 2017. Congratulations sa mga bago nating student leaders. Sa ating mga mahal na mag-aaral ng PUP-PSC, sana ay lagi ninyong pagbuhusan ng sipag at tiyaga ang inyong pag-aaral at laging isa-isip ang nakabubuti ng nakararami at ng inyong komunidad.

 

12094807_1518397888223586_8653244514701356939_o 20117125_1518397534890288_5953340578420346338_o 20117184_1518397264890315_8272384858612816093_o 20121280_1518396448223730_223581028903710558_o 20157263_1518398991556809_6919965340945469448_o 20232250_1518399494890092_3456228658387750987_o

World Milk Day sa San Pedro Central Elementary School

Rumatsada ang Alaska Milk Corp., katuwang ang City of San Pedro at Department of Education (DepEd) Region IV CALABARZON noong ika-16 ng Hunyo 2016, sa paghimok sa mga kabataan at mag-aaral ng San Pedro Central Elementary School na ugaliin ang pag-inom ng gatas upang mapanatiling malusog ang pangangatawan at pamumuhay. Itinampok sa naturang programa, na kaugnay sa selebrasyon ng World Milk Day, ang kahalagahan ng tamang nutrisyon.

Ang programa ay nakasentro sa gatas bilang pandaigdigang pagkain para sa kalusugan at mabuting panga­ngatawan.

DSC_6909 DSC_6924 DSC_6972 DSC_6975 DSC_6985 DSC_7003 DSC_7035 DSC_7041 DSC_7066 DSC_7074 DSC_7024 DSC_7032 DSC_7046 DSC_7093 DSC_7094 DSC_7100

War Against Mosquito – Dengue Prevention and Control Program

Upang maiwasan at malabanan ang nakamamatay na sakit na dengue ay nagsagawa ang City Health Office (CHO), katuwang ang Department of Health (DOH), ng Dengue Prevention & Control Program, ang “War Against Mosquito” sa Multi-Purpose Hall, June 16, 2017. Layunin ng programa na maipalaganap ang kaalaman ukol sa sintomas ng dengue at mga pamamaraan ng pagsugpo nito.

Nakibahagi sina CHO Head Dr. Robert Olivarez, Chief Nurse Riah Fojas, Engr. Rainier Palos (Dengue Program Coordinator Provincial Health Office), Registered Nurses Joey Mangunay (Provincial Epidemiology and Surveillance Unit) at Ryan Arboleda ng Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH), Assistant DOH Representative Provincial Health Training Office, DOH Representative RIV-A Denise Paguirigan, DOH regional office staff, barangay health officers and workers, homeowners at mga kagawad.

DSC_5659 DSC_5663 DSC_7115 DSC_7128 DSC_7134 DSC_7135

City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) 2nd CALABARZON quarterly meeting

 

Malugod nating tinanggap ang mga miyembro ng grupong City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI) sa Pamahalaang Lungsod sa kanilang pagsasagawa ng 2nd CALABARZON quarterly meeting noong ika-15 ng Hunyo 2017. Dito ay tinalakay ng pederasyon ang kanilang koleksiyon o financial obligations, justification of expenditures/transparency, at  wastong pagbu-budget.

Nakibahagi sa pagtitipon sina CASCASPI President Rey Amistad, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) head Gregoria Ramilo, City Social Welfare Development (CSWD) head Fatima Autor, Councilor Edgardo Berroya, dating mayor Calixto Cataquiz, at mga kinatawan ng bawat grupo mula sa CALABARZON.

DSC_6823 DSC_6826 DSC_6831 DSC_6835 DSC_6839 DSC_6843 DSC_6848 DSC_6851 DSC_6709 DSC_6781

June Brides – Kasalang Bayan June 2017

Nagsagawa tayo ng  “Kasalang Bayan” kung saan apatnapu’t apat (44) na pares ang nag-isang dibdib at nagsumpaan ng kanilang wagas na pag-iibigan.

Saksi sina Councilors Kent Lagasca at Bernadeth Olivares, at mga kaanak ng mga bagong kasal sa napakahalagang okasyon na ito na ginanap sa Pacita Astrodome, June 15, 2017.  Antabayanan po ninyo ang anunsiyo kung kailan ang susunod na kasalang bayan.

BOB_6510 BOB_6549 BOB_6552 BOB_6559 BOB_6567 BOB_6571 BOB_6639 BOB_6706 BOB_6708 BOB_6737 BOB_6786 BOB_6804 DSC_0129 DSC_0133 DSC_0142