Buntis Congress 2017

Mga ina at sanggol, bida sa 2017 Buntis Congress. Umabot sa 119 na buntis ang nagkaroon ng pagkakataong matuto ng mga dapat at hindi dapat gawin bilang isang ina sa Buntis Congress – Alagang Ina, Alagang Baby na may temang, “Infant Disability Awareness,” noong July 17, 2017, sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall.
Nagbigay ng mga paalala at aral tulad ng pre-natal check-up, sintomas ng mga panganib sa panahon ng pagbubuntis at maaaring komplikasyon sa panahon ng pagdadalantao at benepisyong makukuha sa Philhealth sina doctors Annalyn Insorio, OB-Gyn, at Robert Olivarez, OIC ng City Health Office; City Nutritionist Judd Carlo Castillo at head nurse Riah Fojas. Katuwang ko ang mga kawani ng CHO sa pamamahagi ng buntis kits sa mga ilaw ng tahanan na dumalo.

11229783_1518444744885567_8883004575605979937_o 20157959_1518445551552153_119331313062123696_o 20232049_1518445941552114_2135776412809002868_o 20232145_1518444121552296_3924674774193570893_o