Pagandahin at Paghusayan ang Paglilingkod

“Pagandahin at paghusayan pa ang paglilingkod sa mamamayan.” Ito ang paalala ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz matapos hikayatin ang mga miyembro ng City Development Council kabilang ang mga Punong-Barangay, CPDO, DILG, SB members, at staff and representatives ng Budget Office at Non-Government Organizations, na magsumite ng comprehensive development plans na siyang magiging patnubay sa pagpapatupad ng mga programa. Ito ay binubuo ng mga sektor ng Social Services, Environmental, Economic, Infrastructure at Institutional.
Binigyang-diin din ni Mayor Cataquiz na dapat pang paigtingin ang pagtutulungan ng mga ahensya, at lalong pag-ibayuhin ang maayos na serbisyo lalo’t ang isang pinagsusumikapang mithiin ay ang tuluyang alisin ang kahirapan at krimen.
Samantala, ibinahagi nina CLGOO Jennifer S. Quirante at CPDOO Yvonne Geolingo ang mga mahahalagang aspeto tulad ng pangkasalukuyang kalalagayan sa lokal na pagpaplanong pangkaunlaran, kasama ang mga kakulangan at nagiging kahinaan sa pagpapatupad ng mga plano, programa at proyekto, at iba pang issues and concerns na nakaaapekto sa pangkalahatang sitwasyon ng mga planong pangkaunlaran. Tinalakay naman ni LGOO II Monette Landicho ang overview ng Local Development Project at mga proseso na nakapaloob sa CDP.
Nakibahagi din sa 3-day seminar-workshop, “Updating of the Comprehensive Development Plan of the City of San Pedro,” na ginanap sa Pavilion Hall, sina Admin Head Filemon Sibulo, LGOO II Alyssa Barrameda at Zarel John Cruzat, at iba pang DILG staff. Ito ay mula sa programa ng DILG na suportado ng Pamahalaang Lungsod.

Matatamis na Ngiti ang hatid ng ating Programang “Kayganda ng Ngiti ko sa Bago kong Pustiso”

Nakaramdam ng malaking pag-asa ang mga San Pedronians na muli nilang maipakikita ang kanila pinakamagandang ngiti matapos na masukatan ng pustiso sa Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) Annex . Ito ay mula sa programang “Kayganda ng Ngiti ko sa Bago kong Pustiso” ng Pamahalaang Lungsod at ng City Health Office (CHO), sa pangunguna ni Dr. Robert Olivarez at Head nurse Riah Fojas, katuwang sina Doctors Catherine Arguelles, Myrna Anciano Sisik at Dona Angel Ramirez.
Ang 3rd batch na nagpasukat ng pustiso noong Jan. 12, 2018 ay umabot sa 530 na pasyente. Inaasahan na matatanggap nila ang kanilang mga pustiso bago matapos ang buwan ng Pebrero, 2018.

Sharing of Knowledge and Experiences in Resource Conservation

Naging makabuluhan ang Lake and River Forum na isinagawa sa Pavilion Hall, noong ika-13 ng Disyembre, matapos na talakayin ng malaliman ang galaw ng mga lawa at ilog, kalidad ng Laguna de Bay at tributary rivers, mga batas at alituntunin sa konserbasyon ng inland waters, at inisyatibo ng mga stakeholders sa konserbasyon ng Laguna de Bay at tributary waters.
Sa temang, “Sharing of Knowledge and experiences in resource conservation,” nanawagan si City Mayor Lourdes S. Cataquiz na huwag abusuhin ang lawa at ilog, na ilan lamang sa mga anyong tubig, dahil dito umano nagmumula ang mga tubig na ginagamit sa mga kabahayan sa araw-araw, na kapag hindi iningatan ay makapagdadala umano ng problema sa kalusugan ng mamamayan.
Naging resource speakers sina LLDA Dep’t Manager III Adelina Santos-Borja, Dep’t Manager III Engr. Jocelyn Sta. Ana, LLDA Engineer II Rowena Pagdingalan, LLDA Division Chief III Engr. Jun Paul Mistica, LLDA Community Dev’t Officer II Ma. Susana Tolentino, Engr. Flocerfina Amaya, Ph.D; at LIMAS MARINA River Council President Edgardo Reyes. Nakibahagi din sina LLDA Gen. Manager Jaime Medina, LLDA Community Dev’t Officer Crispina Muan, LLDA Acting Asst. Gen. Manager Generoso Dungo, at LLDA Community Dev’t Officer 1 Melanie Miclat, sa tulong ng City Environment and Natural Resouces Office (CENRO), sa pamumuno ni Malou Balba, at ng Sangguniang Panlungsod.

Year-End Consultative Meeting ng Federated Parents-Teachers Association, General Parents-Teachers Associations

Year-End Consultative Meeting ng Federated Parents-Teachers Association, General Parents-Teachers Associations mula sa 20 elementary schools, 7 high schools at 2 senior high schools ng lungsod ng San Pedro, district supervisors, principals at school heads. Ito ay pinangasiwaan ni Kon. Jimbo Ambayec, Chairman of the Committee on Education, kung saan ibinahagi nya ang pangunahing legislative agenda ng lungsod para sa edukasyon.
Sa mensahe ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, binanggit nito ang mahahalagang papel ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng buong sistema ng edukasyon. Hinikayat din ng alkalde ang FPTA na makiisa sa pananaliksik upang matukoy ang mga gumawa ng mga gusali sa lungsod at usisain ang mga materyales na ginamit upang madiskubre kung ang mga konstruksiyon o edipisyo ay ginamitan ng mahihinang klase ng materyales na peligroso para sa mga istraktura at sa mga mamamayan, o mga materyales na may mataas na standards na hindi basta-basta matitibag ng lindol: ito ay bilang paghahanda sa mga darating na kalamidad.
Ang consultative meeting ay ginanap sa Central Elementary School noong ika-12 ng Disyembre, 2017.

 

22 Pares Sabay-sabay na nag “I DO” ❤️

Naging napakahalaga at natatangi ang araw ng Disyembre 6, 2017 para sa 22 pares na nag-isang dibdib sa lobby ng San Pedro City Hall dahil sa magarbong Kasalang Bayan at nag-uumapaw na handa sa reception na handog ng Pamahalaang Lungsod. Ito ay naglalayong maging legal ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan, at maitaguyod ang natatanging kultura ng pagmamahal at pagkakaisa sa loob ng bawat pamilya.
Sa mensahe ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, itinagubilin niya ang mga bagay para sa ikatatagumpay ng pagsasama ng mga bagong kasal tulad ng pagiging magkatuwang nito sa sa hirap man o sa ginhawa, pagkakaroon ng prayoridad at direksyon, maayos na komunikasyon lalo’t sa paglutas ng problema, at gawin si Kristo na sentro ng kanilang pagsasama.
Ang Kasalang Bayan ay sinaksihan ng mga napiling ninong at ninang ganun din ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod.

 

San Pedro Ginawaran ng 2017 Seal of Good Local Governance Award ng DILG

Tinanggap ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) award mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong ika-24 ng Nobyembre sa Manila Hotel, dahil sa kapuri-puri nitong pagganap sa iba’t-ibang larangan ng mabuting pamamahala. Kasama sa mga dumalo at sumuporta ang mga Department Heads ng City Hall of San Pedro.
Pinangunahan ni Interior and Local Government Officer-in-Charge (OIC) Catalino S. Cuy, katuwang sina Undersecretaries Eduardo Año and Austere Panadero, DILG IV-A Regional Director Manuel Q. Gotis, at Presidential Adviser for Political Affairs, Secretary Francis Tolentino, ang paggawad ng good governance award sa mga local chief executives mula sa 35 local government units sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon) .

San Pedro Technological Institute (SPTI) 132nd Skills Olympics

Masayang ipinagdiwang ang 132nd Skills Olympics ng San Pedro Technological Institute (SPTI) na pinangunahan ni SPTI Administrator Domeng Marmeto, at dinaluhan at pinaunlakan nina Councilor Jimbo Ambayec, at TESDA Asst. Provincial Dir. Francisco Reyes noong ika-29 ng Nobyembre, 2017, mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Idinaos ang skills Olympics sa pamamagitan ng mga kumpetisyon tulad ng bread & pastries making, cookery, beauty contest, dressmaking, singing contest at quiz bee. Naglagay din ng mga booth para sa massage, automotive, electrical installation, photography, bartending, at iba pa.

 

Pagbibigay-Pugay sa ating mga Mahal na Pangalawang Magulang

Kaugnay sa pagdiriwang ng National Teachers day, ay binigyan ng parangal ni City Mayor Lourdes S. cataquiz ang mga guro sa pampublikong paaralan sa lungsod ng San Pedro upang ipadama ang pagpapahalaga nito sa mga sakripisyo, paglinang at paggagabay sa mga estudyante at kabataan na siyang magiging sunod na lider ng lipunan.
Pinarangalan ang 58 na mga guro at principals na nakapagserbisyo na ng 25 taon pataas at binigyan ng sertipiko ng pagkilala. Bukod sa naglalakihang pa-raffle, nagkaloob din si Mayor Cataquiz ng halagang P2,500 para sa mga principals at P1,500 naman sa mga guro. Dumalo rin sina former mayor Calixto S. Cataquiz, Cong. Arlene Arcillas, representante ni Gov. Ramil Hernandez na si Bimbo Santa Maria, District Supervisor Jovito M. Barcenas at Sangguniang Panlungsod.
Humigi’t kumulang na isang libong guro sa Rosario Complex Convention Center ang dumalo sa pagdiriwang noong November 3, 2017 sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

GLOBAL CHARITY ASSOCIATION AND SALT AND LIGHT INTERNATIONAL WORLD MISSIONARY MULING NAGSAGAWA NG MGA MEDICAL MISSION

Hindi pa rin magkamayaw ang San Pedronians na nangangailangan ng serbisyong medikal matapos na dumagsa ang 286 katao upang makinabang sa ikalawang araw ng medical mission na handog ng Global Charity Association and Salt & Light International World Missionary, Inc. noong Oct. 28, 2017 sa Brgy. Landayan covered court. Dito’y namahagi ng mga libreng gamot at nagsagawa ng mga libreng serbisyong medikal tulad ng consultation (pedia, adult, ob-gyne), ultrasound, dental, at surgery. Pinangunahan ito nina doctors Kang, Byung Suk (gynecologist & president of Global Charity Association); Shim, Byeong Soo (neurosurgeon); Jeong, Hyung Tae (dentist); Jung, Dae Ho (physician); Park, Seung Won (pediatrician); Park, Ki Ju (family medicine); Kim, Jae Min (dental hygienist); mga volunteers at City Health Office staff.

Nagpaabot ng pasasalamat si City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa ikatlong araw na medical mission ng Global Charity Association and Salt & Light International World Missionary, Inc. dahil sa walang humpay nitong pagtulong sa mga mamamayan ng San Pedro partikular na sa mga may karamdaman. Ang huling araw ng medical mission na pinangunahan nina doctors Kang, Byung Suk (gynecologist & president of Global Charity Association); Shim, Byeong Soo (neurosurgeon); Jeong, Hyung Tae (dentist); Jung, Dae Ho (physician); Park, Seung Won (pediatrician); Park, Ki Ju (family medicine); Kim, Jae Min (dental hygienist); mga volunteers at City Health Office staff, ay ginanap sa Brgy. Cuyab covered court noong Oct. 29, 2017. Umabot sa 376 pasyente ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal ngayong huling araw.

City and Municipal Mayors’ League 2017

Courtesy call of Laguna Mayors to City Mayor Lourdes S. Cataquiz and former mayor Calixto Cataquiz before proceeding to Takara Hotel for the “City and Municipal Mayors League Meeting.” The mayors are: Gertrudes Andaya (Famy), Eduardo Tibay (Siniloan), Ronald Sana (Mabitac), Edgardo Ramos (Pila), Raul Gonzales (Victoria), Loreto Masa (Alaminos), and Vincent Soriano (Pakil). The City of San Pedro will host the event. (San Pedro City Hall – October 27, 2017)


NAGSAMA-SAMA at nagkaisa ng mga mithiin ang mga alkalde sa Laguna sa “City & Municipal Mayors’ League,” na pinangunahan ng Punong Lungsod ng San Pedro City, noong ika-27 ng Oktubre, 2017, sa Takara Hotel.


Inilatag ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang kanyang mga plano para sa lungsod tulad ng pagtutuloy sa Roadmap 2020, “no to socialized housing & yes to commercial & industrial services,” pagpapalago ng natural resources, “demolish, restoration & construction,” at iba pa, na sinang-ayunan naman ng mga kapwa alkalde nito. Ipinaalala naman ni dating mayor Calixto Cataquiz na dapat na samantalahin ng mga namumuno ang kanilang liderato sa pagpapabago at pagpapaunlad ng kanilang nasasakupan.


Nakibahagi sa pulong sina dating MMDA chairman Francis Tolentino, mga konsehal, Laguna Mayors’ League secretariat, UPLB professor Renato Lapitan, at iba pa. Dito’y ibinahagi ni Prof. Lapitan ang progress report at impact evaluation study ng Laguna de bay Institutional, Strengthening & Community Participation (LISCOP) project sa CALABARZON.