3rd Asean Mayors Forum

Suportado ng City of San Pedro ang layunin ng ASEAN Mayors Forum na patibayin ang kalidad ng buhay at panatilihin ang kaayusan ng kapaligiran sa pamamagitan ng mga programa at proyekto sa ilalim ng San Pedro City Development Plan. Tayo ay dumalo sa  3rd “Asean Mayors Forum” sa Shangrila at The Fort sa Taguig City noong Hulyo 26-27, 2017. Ito ay inorganisa ng United Cities and Local Governments in Asia-Pacific (UCLG ASPAC) in collaboration with the League of Cities of the Philippines (LCP) at Taguig City. Kasama ko sina Former Councilor at consultant Leslie Lu, Susie Miranda at Executive Assistant Yvonne Geolingo. 
Ang Forum, na may temang “Partnering for Change, Engaging the World”, ay may layuning makapagtaguyod ng matibay na samahan at pag-uugnayan sa pagitan ng mga kaanib sa ASEAN upang sama-sama nilang mapalaganap ang kaunlaran sa pangunguna ng mga Local Government Units (LGUs) para sa ikauunlad at ikagiginhawa ng buhay ng mamamayanan sa mga lugar na sakop ng ASEAN Blueprint.

20292649_516073475451069_4528795236325739660_n 20292989_516073538784396_5785254749813519809_n 20643302_1537556039641104_4372064395695661239_o 20689905_1537556136307761_6645107745199915370_o