Sharing of Knowledge and Experiences in Resource Conservation

Naging makabuluhan ang Lake and River Forum na isinagawa sa Pavilion Hall, noong ika-13 ng Disyembre, matapos na talakayin ng malaliman ang galaw ng mga lawa at ilog, kalidad ng Laguna de Bay at tributary rivers, mga batas at alituntunin sa konserbasyon ng inland waters, at inisyatibo ng mga stakeholders sa konserbasyon ng Laguna de Bay at tributary waters.
Sa temang, “Sharing of Knowledge and experiences in resource conservation,” nanawagan si City Mayor Lourdes S. Cataquiz na huwag abusuhin ang lawa at ilog, na ilan lamang sa mga anyong tubig, dahil dito umano nagmumula ang mga tubig na ginagamit sa mga kabahayan sa araw-araw, na kapag hindi iningatan ay makapagdadala umano ng problema sa kalusugan ng mamamayan.
Naging resource speakers sina LLDA Dep’t Manager III Adelina Santos-Borja, Dep’t Manager III Engr. Jocelyn Sta. Ana, LLDA Engineer II Rowena Pagdingalan, LLDA Division Chief III Engr. Jun Paul Mistica, LLDA Community Dev’t Officer II Ma. Susana Tolentino, Engr. Flocerfina Amaya, Ph.D; at LIMAS MARINA River Council President Edgardo Reyes. Nakibahagi din sina LLDA Gen. Manager Jaime Medina, LLDA Community Dev’t Officer Crispina Muan, LLDA Acting Asst. Gen. Manager Generoso Dungo, at LLDA Community Dev’t Officer 1 Melanie Miclat, sa tulong ng City Environment and Natural Resouces Office (CENRO), sa pamumuno ni Malou Balba, at ng Sangguniang Panlungsod.