22 Pares Sabay-sabay na nag “I DO” ❤️

Naging napakahalaga at natatangi ang araw ng Disyembre 6, 2017 para sa 22 pares na nag-isang dibdib sa lobby ng San Pedro City Hall dahil sa magarbong Kasalang Bayan at nag-uumapaw na handa sa reception na handog ng Pamahalaang Lungsod. Ito ay naglalayong maging legal ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan, at maitaguyod ang natatanging kultura ng pagmamahal at pagkakaisa sa loob ng bawat pamilya.
Sa mensahe ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, itinagubilin niya ang mga bagay para sa ikatatagumpay ng pagsasama ng mga bagong kasal tulad ng pagiging magkatuwang nito sa sa hirap man o sa ginhawa, pagkakaroon ng prayoridad at direksyon, maayos na komunikasyon lalo’t sa paglutas ng problema, at gawin si Kristo na sentro ng kanilang pagsasama.
Ang Kasalang Bayan ay sinaksihan ng mga napiling ninong at ninang ganun din ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod.